Azuki-chan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Azuki-chan ay isang manga na likha ni Chika Kimura na nailimbag ng kompanyang Kodansha at ginawa itong isang pantelebisiyoing programang anime ng NHK. Nagsimula ang manga na Azuki-chan sa mga pahina ng Nakayoshi noong Pebrero ng taong 1993 at ito ay tuloy-tuloy na nilimbag hanggang Abril ng taong 1997. Ang anime na Azuki-chan naman ay ipinalabas as programa ng NHK na pinamagatang Eisei Anime Gekijo mula ika-4 ng Abril, 1995 hanggang ika-17 ng Marso, 1998 na kung saan, ito ay napapanood sa Pilipinas bawat Biyernes mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kwento
Ang Azuki-chan ay tungkol sa buhay ng isang batang babaeng Azusa Noyama (na binansagang "Azuki-chan") at ang kanyang mga kamag-aral sa antas na 5 sa mababang paaaralan na pinapasukan niya.
[baguhin] Mga Tauhan
- Azusa (Azuki-chan) Noyama: Siya ay isang pangkaraniwang mag-aaral na babae. Nang tumuntong siya ng ika-5 antas, napaibig siya sa kapwa niya mag-aaral na si Yuunosuke. Noong una ay malimit pansinin ni Yuunosuke si Azuki-chan ngunit di kalaunan ay naging malapit din ito sa kanya. Pero hindi alam ni Azuki-chan kung gusto siya talaga ni Yuunosuke at ang tanong na ito ay laging bumabagabag sa isip niya. Nagseselos siya kapag iba ang kasama ni Yuunosuke.
- Daizu Noyama: Siya ang nakababatang kapatid ni Azuki-chan. Lagi siyang napapagalitan ni Azuki-chan dahil sa pagtukso dito at sa pagpasok sa kuwarto nito nang hindi kumakatok.
- Yuunosuke Ogasawara: Bagong kamag-aral ni Azuki-chan na kalilipat lang ng paaralan. Mahilig siyang manood larong soccer sa telebisyon. Matangkad, matipuno at mabait si Yuunosuke at dahil dito, naaakit ang mga babaeng kamag-aral niya sa kanya. Ang problema ay hindi siya gaanong nakakaintindi sa damdamin ng mga babae.
- Kaoru Nishino: Siya ay kamag-aral ni Azuki-chan ngunit siya ay mahiyain at mapag-isa. Ang ina niya ay nagtratrabaho sa isang beauty salon kaya laging natutukso si Kaoru at madalas na itong umiyak. Matalik niyang kaibigan sina Azuki-chan at ang isa pang mag-aaral na si Midori Kodama...na tinatawag ding "Jidama".
- Midori (Jidama) Kodama: Kaibigan siya ni Azuki-chan. Isang "working mother" ang kanyang ina kaya madalas siyang maiwan sa pangangalaga ng lola niya. Malakas ang pangangatawan niya at mahilig siya sa mga larong palakasan. Dahil sa pagka-tomboy niya, galit siya sa mga lalaki at ayaw niyang mag-suot ng palda.
- Tomomi Takahashi: Kaibigan din siya ni Azuki-chan. Ang palayaw niya ay "Tomo-chan". Naaakit siya sa kapwa mag-aaral na si Makoto Sakaguchi at sina Azuki-chan at Kaoru lang ang nakakaalam nito. Dahil sa lihim nila, binansagan ng tatlo ang sarili nila bilang "KTK".
- Ken Takayanagi: Kamag-aral siya ni Azuki-chan. Ang mga magulang niya ay may-ari ng isang kainan ng ramen at mahilig siya sa larong baseball. Sinasabi ng mga kamag-aral niya na wala siyang gaanong kamuwang-muwang sa mundo dahil tahimik at mahiyain ito.
- Makoto Sakaguchi: Kaibigan siya ni Ken. Hindi niya maintindihan ang pag-iisip at pag-uugali ng kanyang mga kamag-aral kaya ibinabaling na lang niya ang kanyang pansin sa mga laro...lalo na ang mga video games.
- Yoko Sakakibara: Kamag-aral siya nina Azuki-chan...at kalabang mortal siya ni Jidama. Maganda siya ngunit mapagmataas. Lagi niyang iniisip na siya ang dapat na makatambal ni Yuunosuke.
[baguhin] Mga Gumaganap
- Azusa (Azuki-chan) Noyama: Yukana (buong pangalan: Yukana Nogami)
- Daizu Noyama: Etsuko Kozakura
- Yuunosuke Ogasawara: Issei Miyazaki
- Kaoru Nishino: Taeko Kawata
- Midori (Jidama) Kodama: Rika Matsumoto
- Tomomi (Tomo-chan) Takahashi: Yukiji
- Ken (Ken-chan) Takayanagi: Mitsuaki Madono
- Makoto Sakaguchi: Kyousei Tsukui
- Yoko Sakakibara: Rei Sakuma
[baguhin] Mga Pahinang Pag-uugnay
- Azuki-chan sa Anime News Network
- Azuki-chan sa Starchild Records website
Categories: Stub | Manga | Anime