Apolinario Mabini
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Paralitiko", ay isang Filipino tagagawa ng teoriya na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Lunsod ng Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan
Ipinanganak sa Talaga,Tanauan Batangas noong ika- 23 ng Hulyo, 1864 ng mga pulubing magulang at pinahirapan habang buhay ng paralitiko, si Apolinario mabini ay lumaki pa rin bilang isang magaling na manunulat, abogado at makabayan. Kilala siya bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusiyon. Siya ang pangalawa sa walong anak ni Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Sa kabila ng kahirapan, si Mabini ay nakatamo ng sertipiko bilang guro noong Marso ng 1887 at nakatapos ng abogasiya noong 1894. Siya ay tinanggap sa Hukom noong 1895.
Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na siyang naging sanhi ng kanyang pagiging paralitiko nang pang-habang buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang trabahong notariyo at sinuportahan niya ang kilusang reporma na siyang naging dahilan ng kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897.
Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano, si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at mamatay para sa ating kalayaan. Nilikha niya ang kanyang pinka-tanyag na "Ang Tunay na Dekalogo".
Si Mabini ay nagsilbing tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Pinayuhan niya si Aguinaldo na palitan ang diktadurang anyo ng panahalaan sa rebolusiyonaryo. Inayos niya ang mga bayan at probinsiya at ang husgado at mga puwersang pulis, at nilkha niya ang mga alituntunin ng hukbong sandatahan. Noong nagpulong-pulong ang Rebolusiyonaryong Kongreso sa Barasoain, Malolos, Bulacan siya ang naging Pinunong Ministro ni Aguinaldo. Tumulong siya sa pag-likha ng Saligang Batas. Samakatuwid, nararapat lamang na tawagin siyang "Utak ng Rebolusiyon." Nagpatuloy pa siya sa pag-likha ng mga artikulo sa pagtaguyod ng reporma habang nagtatago, subalit siya ay hinuli ng mga Amerikano noong ika-10 ng Septiyembre,1899. Pagkatapos na siya'y palayain noong ika-23 ng Septiyembre, 1900; siya ay nanirahan sa Nagtahan, Manila, kung saan siya ay sumulat para sa mga lokal na pahayagan. Noong ika-5 ng Enero, 1901 siya ay pinalayas sa Guam dahil sa kanyang mga sinulat gaya ng "El Semil de Alejandro" sa "El Liberal."
Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang mas madali siyang magsilbi sa kanyang mga kababayan kung siya ay bumalik sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa Estados Unidos noong ika-26 ng Pebrero, 1903. Siya ay namatay sa Nagtahan, Manila noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa gulang na 39.