Anorexia nervosa
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Anorexia Nervosa ay isang sakit sa gawi sa pagkain (eating disorder). Ito ay mapapansin kung ang isang kabataan na karaniwan ay babae, ay kumakain ng kaunti lamang, may pagbabago sa gawi sa pagkain o bumababa ang timbang. Ang Anorexia Nervosa ay higit pa sa isang simpleng suliranin. Ito ay isang malubhang karamdaman. Ang Bulimia Nervosa naman ay isa ring suliranin sa gawi sa pagkain na pinagdurusahan ng mga nakatatandang kabataang kababaihan. Ang kanilang timbang ay maaaring hindi nagbabago ng malaki ngunit ang kanilang paraan ng pagkain ay maituturing na hindi normal. Ang kanilang pagdidiyeta ay sinusundan ng sobra-sobrang pagkain at pagkatapos ay pinipilit ang sarili na masuka. Kung minsan, mapapansin din na sila ay hindi kumakain o labis na nagdidiyeta. Bagamat ang hindi tamang gawi sa pagkain at ang labis na pag-eehersisyo ay maaari ding mangyari sa mga kabataang lalaki, ang susunod na mga impormasyong tatalakayin ay tungkol sa Anorexia Nervosa at ang mga anak na babae dahil mas madalas itong mangyari sa kanila MGA SANHI NG SAKIT NA ANOREXIA AT BULIMIA NERVOSA [[ Psychological Factors]]
Ang mga taong mayroong mga eating disorders tulad ng Anorexia at Bulimia Nervosa ay mga taong perfectionistic, sila ung mga taong may mga di kapanipaniwalang pangarap sa kanilang sarili, sa kabila ng kanilang tagumpay sa buhay, palagi nilang naramdaman na may kulang, kumbaga ang nakita nila sa mundo ay puro itim at puti, lahat ay may mabuti o di kaya’y masama, tagumpay o di kaya’y bigo, mataba o payat. Kung ang mataba ay masama ang payat ay mabuti. Kumbaga, ang pinakapayat ay napakabuti sa kanila, kahit na ang pinakapayat na 68 lbs. ay nasa bingit na ng kamatayan, nakahiga sa kama ng ospital. Biological Factors Ang mga taong mayroong personalidad katulad ng “obsessive-compulsive and sensitive-avoidant” ay kadalasan nagkaroon ng eating disorder kaysa sa iba. Ang bagong pag-aaral ang nagsabi na ang “genetic factors” ay nakapagbigay daan ng lungkot o lumbay at ang pagiging “perfectionism” at iba pang “obsessive-compulsive thoughts and behaviors” Sa katunayan, ang mga taong mayroong Ina or kapatid na mayroong anorexia nervosa ay 12 na beses pa ung tsansa na magkaroon ng anorexia nervosa din, kaysa sa
taong walang kamag-anak ng may ganitong sakit. Sila din ay may 4 na beses na tsansa na magkaroon ng bulimia nervosa. Pag ang isang tao ay nagsimula na magpagutom, at sumuka may tsansa na ang kanilang utak ay masanay at pwede pa itong tumagal. Pag ang isang eating disorder ay nagsimula pa sa bata o di kaya’y adolosence, it ay mahirap malunasan, dahil ang mga bata lalo na ang mga teens ay nag pupumilit na sila ay mature na at alam nila ung ginawa nila. Family factors Ang ibang mga taong may eating disorder ay galing sa isang masyadong “overprotective families”. Ang ibang taong, ay nakaramdam na sila ng pag-iisa at pagbale-wala at kulang sa pag-unawa. Mga magulang na masyadong pinapahalagahang ang panlabas na anyo ay nakadulot ng eating disorder, kaya ang mga negatibong komentong sinabi nila sa kanilang anak ay may malaki itong impact. Cultural Pressures Sa Westernized country, para ang isang babae ay maging maligaya dapat siyang magkaroon ng isang magandang relasyon sa kanyang anak, at dapat ang kanyang kaibigan ay gusto siya, at ang kanyang trabaho ay dapat asensado at ang kanyang bahay ay dapat maganda at dapat payat. Media Factors Kapag ang isang magulang ay palaging nagsaway sa kanilang anak tungkol sa junkfood at sinubukan nilang pagbawalan ito ng kumain ng mga junkfood, magkaroon ng attensyon ang mga bata na subukan ung mga pinagbawalan na pagkain. Kung gaano ka
bawal iyon kainin, ganun din ka laki ang maging attensyon nila sa mga pinababawalan na pagkain. At ang ganitong ugali ay nakapagdulot ng eating disorder sa hinaharap na buhay. Social factors Minsan ang itsura ng isang taon ang nakapagdulot ng maraming kaibigan at karelasyon sa ibang tao, ito din ay naging sanhi kung bakit pinipilit ng ibang tao, magpapayat at mag didiyeta sa kabila ng malusog nilang katawan. Ang mga taong may problema sa relasyon at ang naiiwan sa ere ay kadalasan nagkaroon ng eating disorder, ang iba naman kung tignan ay mukhang maligaya sa ginawa nilang makipagsalimuha sa ibang tao, pero sa huli naman pala, inamin nilang di nila naramdaman na kasali sila sa grupo, at kadalasan ang mga sinasabi nila ay wala silang kaibigan, na wala silang pag-asa, at natatakot na di tanggapin.
MGA SINTOMAS SA SAKIT NA ANOREXIA AT BULIMIA NERVOSA Anorexia Nervosa Ang taong may Anorexia at Bulimia Nervosa ay ayaw niyang ipanatili ang Kanyang naturang normal na timbang, natatakot din siyang tumaas ang kanyang timbang, nagsasalita siya tungkol sa kanyang itsura, na mataba daw siya at etcetera, nahihirapan kumain lalo na pag maraming pagkain, masayadong mapili kung kumain, kung mag-eehersiso, nasososbrahan na, palaging nagbabago ang kanyang ugali kumbaga moody siya, minsan pasekreto niyang tinatapon yung mga pagkain, yung timbang niya ay mababa sa 85% sa dapat niyang maging timbang sa edad niya at sa tangkad niya, yung mga batang babae ay hindi nagsimulang nag ka-regla sa eksaktong edad, na huhuli yung puberty nila, ang isang babae din, ay minsan tumigil yung regla nila, sa lalaki yung sex hormones nila bumaba at yung sex drive din ay nawala, tinaggi din nila na delikado yung pag masyadong mababa yung timbang, takot na takot tumaba.
Bulimia Nervosa Ang tao, ay nag didiyeta, at ginugutom at pagkatapos sinuka yung kinain, at nakaramdam na walang kontrol pag kumain, natatakot tumaba at palaging sumuka, at di nila ginamit ng maayos yung mga gamot, katulad ng mga diet pills, laxatives, ehersiso, at mabilis silang magbawas ng calories nila sa katawan, nangangako sila na hindi na nila
isusuka yung kinain nila, pero ipinagpatuloy parin nila yung dating gawi nila, at naniwala na kailangan nilang magpapayat, minsan nagnanakaw din sila, at inaabuso yung mga alcohol, droga, at credit cards, yung timbang nila ay normal or malapit sa normal kung walang anorexia, at katulad din ng anorexia, ang taong may Bulimia ay nakakapatay. Kahit na ipinakita nila na sila ay matapang, kadalasan parin sila ay depressed, malunkot, kinahihiya yung sarili at pakiramdam na wala silang silbe, yung mga kaibigan nila, sinabi na sila ay masayahin, matapang, Masaya kasama at maganda, pero sa kabila ng lahat na yung, sa puso nila nakatago ang mga sekreto nila, na nasasaktan sila, na maihantulad mo na sila ay malungkot, depress, at pinasisihan ang sarili at may matinding galit.