Ang Lumang Simbahan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ilang beses na rin nilikha ang obrang Ang Lumang Simbahan na isinapelikula pa noong dekada 30s, sa bersiyong ito ay binigyang buhay muli nina Leopoldo Salcedo at Leila Morena kung saan ang kuwento ay tumatakbo sa dalawang pusong nag-iibigan at nagsumpaan sa harap ng dambana sa loob ng Lumang Simbahan.
Ang pelikula ay may mga tagpong aksiyon at makapigil hiningang pakikipagsapalaran dahil sa nalamang mayroong nakabaong kayamanan mismo doon sa loob ng simbahan.
Kasama ring nagsisiganap ang kontrabidang si Rosa Rosal na noo'y di pa nakakontrata sa LVN Pictures at ang magandang si Pilar Padilla na buhat sa pamilya ng mga Padilla.
Ang inang si Alma Bella at ang baguhang si Eduardo del Mar na di naglaon ay napunta sa Sampaguita Pictures.
Ginawa ito ng Nolasco Brothers Production at ipinalabas sa mga sinehan noong ika-2 ng Marso, 1949