Ang Bayan kong Sinilangan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
"Ang Bayan kong Sinilangan" (kilala din minsan bilang "Cotabato") ay isang awiting Filipino na pinasikat ng grupong Asin. Isinaplaka sa ilalim ng ng Sunshine Record noong 1979 at ang likod ng plaka ay ang awiting "Pagbabalik". Nilikha ni Saro Bañares ang awiting ito.
Natatangi ang awiting ito dahil sa paggamit ng Asin sa mga katutubong instrumento katulad ng kulintang na hinalo sa folk rock na musika nila. Kilala ang Asin sa isa sa mga unang gumagamit ng katutubong instrumento na hinalo sa makabaong musika.
Ang tema ng awitin ay ang magulong mundo ng Mindanao partikular ang Timog Cotabato. Kinatha ito ni Saro dahil hinahambing niya ang masalimuot niyang buhay sa bayan ng Cotabato. Sang-ayon kay Lolita Carbon, miyembro ng Asin, patuloy pa rin nila aawitin ang mga ganitong tema ng awitin at hindi pa rin magbabago ang kanilang pananaw habang hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon sa Pilipinas. [1]
[baguhin] Sampol na liriko
- Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
- Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
- Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
- Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
- Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
- Kapatid sa kapatid, laman sa laman
- Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.