Alberto Ramento
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Bishop Alberto Ramento ay isang dating supreme bishop at chairperson ng Supreme Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente (IFI).
Namatay siya sa nagkailang saksak sa likod at dibdib noong madaling araw ng 3 Oktubre 2006 sa Tarlac, Philippines.
Bago ang kanyang kamatayan, si Bishop Ramento ay aktibo sa ibat-ibang organisasyon at kilusang nagtataguyod ng karapatang pantao at social justice lalu na sa mga manggagawa.
Siya ay co-chair ng Ecumenical Bishops Forum, pinamunuan niya rin ang Promotion of Church People’s Response—Central Luzon at ang human rights group KARAPATAN-Tarlac. Sinuportahan niya rin ang welga ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita. Bilang Chairperson na Workers Assistance Center, Inc.(WAC), Sinuportahan niya rin ang mga pakikibaka ng mga manggagawa sa lalawigan ng Cavite
Isa rin siyang ma-impluwensang kritiko ng gobyerno Gloria Arroyo.
Noong 1998, ninomina siya ng National Democratic Front of the Philippines(NDFP) negotiating panel bilang isang Independent Observer sa Joint Monitoring Committee (JMC) ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).