Aicelle Santos
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Aicelle ay isang Pilipinang mang-aawit na nagsimulang makilala nang siya ay sumali sa patimpalak na Pinoy Pop Superstar kung saan siya ay hindi natalo ng walong linggong walang patid. Ang mga awiting kanyang inawit sa nasabing patimpalak ay All The Man That I Need, I Need You, Natural Woman, A House is Not A Home, Respect, Summertime, A Song For You, Man in The Mirror. Bukod dito, siya rin ay nanalo sa mga roadshows na ginawa niya kasama ng ibang kalahok sa mga lalawigan ng Baguio, Davao, Iloilo, Cebu at Maynila. Siya ay itinanghal na pangalawang pinakamagaling sa ikalawang taon ng Pinoy Pop Superstar ayon sa mga hurado, ngunit ayon sa mga nakapanood at kanyang napakaraming tagahanga, si Aicelle ang pinakamagaling nang gabing iyon.
Ang hindi alam ng marami, si Aicelle ay ang pinuno ng sangguniang kabataan sa kanilang lugar sa Sampaloc, Maynila. Siya ay nag aaral ng kursong sikolohiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Marunong din siyang tumugtog ng gitara at piyano. Sa kasalukuyan siya ay regular na napapanood sa telebisyon, sa mga programang SOP, at Sis. Siya ay nagtanghal na rin sa mga programang Mastershowman, Extra Challenge, ILNY, Pinoy Pop Superstar, Unang Hirit, Art Angel, K! the 1million videoke challenge, Mel & Joey at marami pang iba.
Siya ay kinilala ng Aliw Awards bilang nominado sa kategoryang Best New Female Artist sa taong 2006. Si Aicelle din ay napiling kinatawan ng Pilipinas sa Astana International Contest of Kazakh Song 2006 na ginanap sa bansang Kazakhstan kung saan siya ang nag uwi ng karangalang "Best Performance of Own Country's song".
Opisyal na websayt ni Aicelle Santos: http://www.aicellesantosonline.com