Agrikultura
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang agrikultura ay ang paraan ng paggawa ng pagkain, feed, fiber at iba pang ninanais na produkto sa pamamagitan ng pagbubungkal ng mga ilang halaman at pagpapalaki ng mga maamong hayop. Kilala din sa tawag na pagbubukid o pagsasaka ang agrikultura.