136199 Eris
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Eris (dati'y 2003 UB313) ay isang trans-Neptunian object (TNO) na mas malaki sa Pluto. Inilarawan ito bilang ikasampung planeta ng Sistemang Solar ayon sa pangkat na nakatuklas nito sa Mount Palomar, NASA, at ibang sangay ng media. Nakatakdang ilathala ng International Astronomical Union ang pakahulugan ng katawagang "planeta" sa maagang Setyembre 2006 upang matukoy o hindi kung mauuri ang Eris bilang isang planeta.[2] Binigyan ng nakatuklas nito na si Michael E. Brown ng di-opisyal na pangalan nito na "Xena".