Galileo Galilei
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Galileo Galilei (Pebrero 15, 1564 – Enero 8 1642) ay isang Italyanong pisiko, astronomo, at pilosopo na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler.
Tinuturing na isang mahalagang pagkakataon ang mga gawa ni Galileo mula ng kay Aristotle. Karagdagan pa nito, tinatanggap ang kanyang pagsalungat sa Simbahang Katoliko Romano bilang isang pangunahing unang halimbawa ng pagsalungat sa awtoridad at kalayaan ng pag-iisip, partikular sa agham, sa Kanlurang lipunan.
Si Galileo ang unang nakatuklas sa apat na buwan na umiikot sa planetang Jupiter. Ang obserbasyong ito ang nagtulak gay Galileo na baliin ang halos 1800 taong paniniwalang ang mundo ang sentro ng Kalawakan.
Pinagbawalan si Galileo ng simbahang katoliko na isa-publiko ang kanyang natuklasan.