Trinidad
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
Bahagi ito ng serye hinggil sa Kristyanismo |
|
Kasaysayan ng Kristyanismo |
|
Trinidad |
|
Bibliya |
|
Teolohiyang Kristyano |
|
Simbahang Kristyano Mga denominasyong Kristyano |
Ang Trinidad ay ang nagiisang Diyos na ipinakikilala ng mayoryang o nakararaming Kristiyanismo. Ayon sa doktrina, ang Diyos ay isang entidad na sabay sabay na pumapasatao sa loob ng tatlong magkakaibang persona: ang Ama, ang Anak (Hesukristo), at ang Banal na Espiritu.
Sa kasaysayan, ang paniniwala sa Trinidad ay maibabalik sa panahong 325 at 500. Ang una ay ang panahon ng pagkakasulat ng Artikulo ng Paniniwala noong isinakatuparan ang Unang Konseho ng Nicene, samantalang ang huli naman ay ang unag pagsubok na "mai-standardized" ang paniniwala sa harap ng mga dipagkakasundo sundo ng mga pananaw. Ang mga kredong ito ay binuo at niratipika ng Simbahan (ang simbahang tinutukoy dito ay ang Simbahang Katoliko ) ng ikatatlo at ikaapat na dekada bilang tugon sa teolohiyang heterodox. Ang mga teolohiyang hetedorox ay naglalaman ng mga katanungan at "sismo" hinggil sa Trinidad at posisyon ni Hesuskristo. Samantala ang Kredong Nicene-Constantinople na may 381 na bersyon ay patuloy pa rin ina sinangayunan ng Simbahang Orthodox; sinasangayunan din ng Simbahang Romano Katoliko ngunit may isang binago, at patuloy pa ring sinusunod ng maraming (ngunit hindi lahat) Protestante.
Ang Kredong Nicene, na syang klasikong pormulasyon ng mga doktrina, ay gumamit ng salitang "homoousia" (Griyeyo: ng parehong "substance"). Ang pagkakabaybay ng salitang ito ay may pagkakaiba sa "homoiousia" (tignan maigi ang pagkakabaybay). Ang huli ay nangangahulugan ng pagkakapareho, ngunit hindi talaga pareho o iisang "substance". Dahilan ng pagtatalo sa mga iskolar at pagkakabuklod buklod o sanga sanga ng ibat ibang teolohiya.
Ang "Godhead" at "Trinidad" ay ginagamit na waring ito ay iisa lamang ng pakahulugan. Sa katotohanan, ang Godhead ay may mas malawak na gamit at paksain, tulad ng ideya kung paano ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay nagkakaugnay ugnay sa isat isa.
[baguhin] Ang Iskriptura at Tradisyon
Ang salitang, Trinity, ay may literal na kahulugang "katatluhan". Ang salitang ito ay hindi kailanman lumabas sa bibliya maging sa mga salin nito. Hindi ito ginagamit sa kasaysayan bago ng una itong gamitin ni Tertullian sa kaniyang Latin na sulating: tres Personae, una Substantia (Salin, Tatlong Persona, Isang "Substance"). Pinananatili ang Latin na pamagat dahil sa kawalan ng ebidensya kung ang akdang ito ay naisalin sa Tagalog o Filipino. Ito rin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng salitang tinutukoy sa Griyegong "Treis Hypostases, Homousious" noong ikatlong daang taon. Ito ay ang paniniwala ni Marcellus ng Ancyra, sa kaniyang "One the Holy Church, 9";
- "Valentinus, the leader of a sect, was the first to devise the notion of three subsistent entities (hypostases), in a work that he entitled On the Three Natures. For, he devised the notion of three subsistent entities and three persons — father, son, and holy spirit." [1]
Naniniwala pa rin ang mga Kristiyanong naniniwala sa Trinidad, na kahit na ang salita ay moderno, maging ang mga pormula nito, ito pa rin ay pinaniniwalaang doktrinang nakapaloob sa Bibliya at ng mga kredo, at ng mga tradisyon. Isang halimbawa ay ang sinasabi sa Henesis 18:1-16. Ang iba naman ay naniniwala na ito ay nasa Ebanghelyo. Isa pa rin ang Comma Johannew, ngunit ito ay pinaniniwalaan ding isang "forgery"
[baguhin] Bautismong Trinitarian
Sa Bibliya, ang Mateo 28:19 ang pinaniniwalaang isa sa ugat ng paniniwala sa Trinitarian. Ito ang sya ring ginagamit na pormula sa pagbibinyag.
- "Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu."
[baguhin] Kinukwestiyon ang Trinidad
Sa kabila ng malawakang pagtanggap ng paniniwalang Trinidad lalo na ng Sangkakristiyanuhan, may iilan pa ring mga grupo ang hindi naniniwala dito. Kabilang sa mga ito ang Saksi ni Jehova, Mga na naniniwalang si Jehova ang Ama, si Jesus ang Anak at ang banal na espiritu ay ang di-nakiktang puwersa ng Diyos. Nariyan din ang mga Iglesia ni Kristo ngunit di-tulad ng Mga Saksi, hindi nila matanggap ang pngalan ng Ama na Jehova.