Elektronikong liham
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang elektronikong liham (Inggles: electronic mail, pinapaiksi na e-mail o email), maari ring paiksihin na e-liham, ay isang paraan ng paggawa, pagpadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan mga ng elektronikong sistemang pangkomunikasyon. Sa ngayon, karamihan ng mga sitemang e-liham ay gumagamit ng World Wide Web.
Ang kaunaunahang e-mail ay ipinadala ni Ray Tomlimson ng ARPANET nuon 1971. Ang e-mail na ito ay nagsimula sa maliit na program lamang na ginagamit lang sa isang maliit na network. Ang unang e-mail na ipinadala ni Tomlinson ay sa sarili lamang niya bilang isang eksperimento.