Ekonomika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang ekonomika[1] o economics bilang isang agham panlipunan, ay nag-aaral sa paglilikha, pagmamahagi, at pagkokomsumo ng kalakal.[2]
Ang salitang "ekonomika" na hango sa salitang Wikang Kastila "economica" ay mula sa mga salitang Griyego οἶκος [oikos], na nangangahulugang "pamilya, sambahayan, estado" at νόμος [nomos], o "kaugalian, batas" at may literal na kahulugan na "pangangasiwa ng sambahayan" o "pangangasiwa ng estado". Ang isang ekonomista ay isang tao na gumagamit ng konseptong pang-ekonomika at mga datos sa kanyang trahabo, o isang tao na nakatamo ng isang degree sa paksang ito mula sa isang pamantasan.[2]
Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Pinakapopular dito ang microecomics (sa antas ng indibidual na pamimili) sa macroeconomics (nagtipon-tipong resulta). Maari rin itong mahati sa positive laban sa normative, mainstream laban sa heterodox, at ayon sa sangay. Ang ekonomika ay may tuwirang paglalapat sa kalakalan, personal na gastusin, at pamahalaan. Mayroong mga teorya na nabuo bilang bahagi ng teoryang pang-ekomika at nailapat sa mga pamimili na walang kaugnayan sa pera sa mga larangang kasinlawak ng kilos ng kriminal, pananaliksik sa agham, kamatayam, politika, kalusugan, edukasyon, pamilya, panliligaw (dating), at iba pa. Pinahihintulutan ito dahil tungkol sa pagpapasya ang ekomomika.[2]
Nagsisimula ang ekonomiya sa premise o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo -- ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.[3]
Tinutukoy ang ekonomika na "malungkot na agham". Unang binansag ito ni Thomas Carlyle, na pinaboran ang isang sistema ng ekonomika na nakabatay sa pang-aalipin, upang tanggihan ang mga nangungunang ekonomista noong dekada 1840, na mga karaniwang libertaryo na sumasalungat sa pang-aalipin. Ngayon, kadalasang ginagamit ito para banggitin ang pabibigay diin sa kakulangan sa ekonomiya.[3]