Augusto Pinochet
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Heneral Augusto José Ramón Pinochet Ugarte (ipinanganak noong Nobyembre 25, 1915 - Disyembre 10, 2006) ang dating pinuno ng pamahalaang militar na namuno sa bansang Chile mula 1973 hanggang 1990. Naka-upo siya bilang pinuno ng Chile sa pamamagitan ng marahas na kudeta na nagpatalsik kay Salvador Allende, isang Marxistang doktor na naging unang sosyalista na nahalal bilang Pangulo ng Chile. Winakasan ng kudeta ang mahabang panahon ng hapit na relasyon ng Estado Unidos—na pinursige at sinuportahan ang pagpapatalsik kay Allende—at Chile, at pinayagan si Pinochet na magpatupad ng liberal na mga pang-ekonomiyang reporma, at, magsagawa ng malawig na paglabag sa karapatang pantao sa Chile at sa ibayong dagat.
[baguhin] Pag-akyat sa kapangyarihan
Noong Setyembre 11, 1973, ang militar, sa pamumuno ni Pinochet, ay sumugod sa palasyong pampungulo at inagaw ang kapangyarihan mula kay Pangulong Allende, na natagpuang patay makalipas ang ilang oras. Isang junta sa pamumuno ni Pinochet ay itinatag, na mabilisang sinuspinde konstitusyon, pinawalang-bisa ang Kongreso ng Chile, nagpataw ng mahigpit na pag-sesensura, ipinagbawal ang lahat ng partidong politikal na sumuporta sa pamahalaang Allende, at ipinatagil ang lahat ng pampulitikal na aktibidad. Bilang pagdaragdag, ito ay lumulan sa isang kampanyang paninindak laban sa lahat ng kumakalaban sa Pamahalaang Pinochet at mga sosyalista sa bansa. Bilang resulta, humigit kumulang 3,000 residenteng Chilean ang napag-alamang binatay, o nawala at kailan pa 'may di na napakinggan muli, humigit sa 27,000 ang ikinulong at at sa karamihang kaso ay pinahirapan ng lubos, at marami ring ipinatapon na tinanggap sa ibang bansa bilang "political refugees".
[baguhin] Tingnan din
- Chile
- Operación Cóndor