Manatee
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Manatee Conservation status: Endangered |
||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Manatee |
||||||||||||
Klasipikasyong siyentipiko | ||||||||||||
|
||||||||||||
Species | ||||||||||||
Trichechus inunguis |
Ang mga manatee (family Trechecidae, genus Trichechs) ay malalaking aquatic na mammal na kilala rin sa tawag na "sea cow". Naiiba ang Trichechidae sa Dugonguidae sa hugis ng bungo at hugis ng buntot. Hugis sagwan (paddle) ang buntot ng mga manatee, samantalang ang sa Dugong naman ay hugis tinidor (forked). Ang mga ito ay herbivore, ginugugol ang kanilang oras sa pangangain ng mga damo sa mabababaw na tubigan.
Pinaninirhan ng mga manatee ang mababaw na tubigan at mga latian sa baybayin ng Hilaga, Gitna, at Timog Amerika, at ng Dagat Caribbean.
Naninirahan ang isang species (Trichechus senegalensis) sa kanlurang baybayin ng Africa, naninirahan naman ang isa (T. inunguis) sa silangang baybayin ng Timog Amerika, at ang ikatlo (T. manatus) ay sa West Indies sa Dagat Carribean. Ang Florida Manatee at itinuturing ng ilan na hiwalay na species, but itinuturing naman ng Integrated Taxonomic Information System (ITIS) na subspecies ito ng T. manatus, at ito ngayon ang kinaugalian. Maaring humaba ito hanggang 4.5 metro (15 talampakan), at namumuhay sa tubig-tabang at tubig-alat. Dati, hinuhuli ang mga ito para sa langis at laman ngunit nasa ilalim ng pangangalagang legal ang mga ito ngayon.
Isang endangered species ang West Indian Manatee. Bagaman walang likas na predator ang mga ito, pinababa ng pagpapalawak ng mga tao (human expansion) ang kanilang likas na habitat sa mga latian sa mga baybayin, at nasasaktan ng mga propellers ng mga bangkang de motor ang mga ito. Nakakain din ng mga manatee ang ilang kagamitang pangingisda (gaya ng hooks, metal weights, atbp.). Hindi naman nakapipinsala ang mga ito sa mga manatee maliban ang monofilament line o tali. Nababara ito sa digestive system ng hayop na sanhi ng unti-unting pagkamatay nito.
Karaniwang nagsamasama ang mga manatee malapit sa mga powerplant, na nagpapainit ng tubig. Umaasa ngayon ang mga ito sa hindi natural na pinanggagalingan ng init. Hindi na lumilipat ang mga ito sa tugigang may kainitan dahil mayroon na silang palagiang pinagkukunan ng tubig na may kainitan. Kamailan lamang, nagsasara na ang mga powerplants at dahil sa kaalamang umaasa ang mga manatee sa mga powerplants na ito, naghahanap ngayon ang U.S. Fish and Wildlife Service ng paraan kung paano paiinitin ang tubig para sa mga manatee.