Francis Drake
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Sir Francis Drake, Bise Admiral, (mga 1540 – Enero 28 1596) ay isang Ingles na korsaryo, nabigador, piyuner at tagasalakay ng hukbong-dagat, politiko at inhinyerong sibil ng kapanahunan ni Elizabeth. Siya ang unang kapitan na lumibot sa buong mundo - namatay si Magellan sa kanyang biyahe, na kinumpleto ni Juan Sebastián Elcano. Siya ang pangalawang-taga-utos sa pangkat na Ingles laban sa mga Kastila noong 1588. Namatay siya sa sakit na disinterya habang hindi matagumpay na paglusob sa San Juan, Puerto Rico noong 1596.