Web - Amazon

We provide Linux to the World


We support WINRAR [What is this] - [Download .exe file(s) for Windows]

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
SITEMAP
Audiobooks by Valerio Di Stefano: Single Download - Complete Download [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Alphabetical Download  [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Download Instructions

Make a donation: IBAN: IT36M0708677020000000008016 - BIC/SWIFT:  ICRAITRRU60 - VALERIO DI STEFANO or
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Viking - Wikipedia

Viking

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Isang hiram ang salitang Viking mula sa katutubong katawagan sa Scandinavia para sa mga mandirigmang pandagat na Norse na ni-raid ang mga baybay ng Scandinavia, ng British Isles, at ng iba pang bahagi ng Ewropa mula noong huling mga taon ng siglo 8 hanggang sa [[siglo 11], ang panahon sa Ewropang kilala bilang Panahong Viking, o Viking Age sa Inggles. Sa kasalukuyan, somewhat controversially, ginagamit din ang salita bilang pangkalahatang pang-uri ng naglalarawan sa Scandinavians ng Panahong Viking. Mas naiinam na tawagin ang pangkalahatang populasyon ng Scandinavia na Norse, o simpleng mga taga-Scandinavia.

Mga nilalaman

[baguhin] Etimolohiya

May pagka’di malinaw ang etimolohiya ng ‘viking’. Isang teoriya ay maaaring nanggaling ito mula sa salitang Sinaunang Norse na vík, nangangahulugang ‘look’, ‘sapa’, o ‘inlet’, at ang hulaping -ing nangangahulugang ‘nanggaling mula sa’ o ‘mula sa’. Samakatwid, magiging isang aktibidad sa mga sapa o “pananapa” ang pagvi-vík, at ang isang víkingr ay isang taong nakikibahagi sa ganitong aktibidad. Pagkalipas ng panahon, naging magkatumbas ang salitang víking sa ‘ekspedisyon’ o ‘raid na pandagat’, at ang isang víkingr bilang isang kasapi ng mga ganitong ekspedisyon. Suhestyon naman ng isa pang teoriya na nanggaling ang salitang ‘viking’ mula sa wíc ng Sinaunang Inggles, na nangangahulugang ‘lungsod na nangangalakal’ (cognate sa vicus, ‘baranggay’, ng Latin).

Sa gamit medyebal (hal. Widsið, at ang mga sulat ni Adam ng Bremen), ang viking ay isang pirata, at hindi pangkalahatang pangalan para mga tao o kultura. Sa katunayan, nang iwanan ng raiders na Scandinavian ang kanilang mga bangka, at magnakaw sila ng mga kabayo at nagsilibot sa buong bansa, hindi sila tinukoy bilang vikings sa mga sangguniang Inggles.

Sa nakaraang siglo, nagsimula ang mga espekulasyon sa kung ang mga mangangalakal na banyagang kilala bilang mga varyag, na nagkaroon ng mga pwestong pangkalakalan sa mga kahabaan ng mga ilog ng Rusya hanggang sa Imperyong Byzantine, ay may pinagmulang Scandinavian. Simula noon, ipinakahulugan na rin ang katawagan na tumutukoy din sa mga mangangalakal mula sa Scandinavia na nagtatag ng mga kolonya sa Rusya. Binabansagan din ng mga modernong nagsasalita ng Inggles nang “Viking” ang mga sinaunang kolonyang Scandinavian sa Hilagang Amerika. Nararapat punahin gayunman na walang sangguniang nakasulat, sa mga kaso ng Vinland, Rus, o mga Varyag, ang gumagamit ng katawagang Viking.

Hindi Vikings ang Scandinavians sa pangkalahatan; sila ay mga magsasaka, mangingisda, at mangangaso, tulad din ng mga iba’t ibang sangkatauhan sa Ewropa. Habang inatake ng mga hukbo ng mga kalaban ang mga pampang ng Scandinavia, itinatag nila ang fleet na pandepensang nakilala bilang leiðangr (pinakamalapit na bigkas /ley·dha·nger/), na naging proteksyon din nila mula mismo sa Vikings. Habang madalas na ginagawa sa kasalukuyan, ang ugaliing tawagin ang lahat ng Scandinavian na Vikings, sa halip na ireserba ang itong salita para sa mga yon na nasangkot sa pamimirata, ay maaaring mauwi sa ’di pagkaintindi at pagkalito. Bilang mga myembro ng fleet na leiðangr, gayundin bilang mga magsasaka at mangingisdang madalas inaatake ng Vikings, marahil ay nakita ng Scandinavians ang Vikings bilang mga kaaway at nakipaglaban sa kanila sa kanilang buong pagpupunyagi.

[baguhin] Sikat na Vikings

  • Höskuldr at Dyri (maalaalamat na mga tagasakop na Varyag ng Kiev)
  • Björn Járnsíða (sinalakay ang Italya at anak ni Ragnarr Loðbrók)
  • Egill Skallagrímsson (sikat na mandirigmang Islandes at isang skáld, tingnand din ang Saga ni Egill)
  • Eiríkur rauði (nakatuklas sa Greenland)
  • Gardar Svavarsson (nakatuklas sa Iceland)
  • Gorm (kinolonisa ang Ingglaterra)
  • Haraldur hinn hárfagri (tagapagtatag at unang hari ng Norway; may pagtatalo gayunman, bilang bahagi ng pagtatalong etimolohiko na pinag-usapan sa itaas, kung Viking ba talaga sya o hindi)
  • Harald Hardråde (hari ng Norway at kasapi ng Varangian Guard)
  • Ingvar the Far-Traveled (pinuno ng kahuli-hulihang ekspedisyong Viking ng Sweden, na sinalakay ang mga baybayin ng Dagat Caspian).
  • Ivar na Walang-Buto (salantang anak ni Ragnarr Loðbrók na, sa kabila ng pangangailangang maikarga sa isang pansangga, ay nasakop pa rin ang York)
  • Ingólfur Arnarson (kinolonisa ang Iceland)
  • Leifur Eiríksson (nakatuklas sa Vinland)
  • Oleg ng Novgorod (conquered Kiev, itinatag ang Kievan Ruś at sinalakay ang Constantinople)
  • Ragnarr Loðbrók (nabihag ang Paris)
  • Rollo ng Normandy (tagapagtatag of Normandy)
  • Rurik (tagapagtatag ng pamamahala ng Rus' sa silangang Ewropa)
  • Skagul Toste (ang unang Viking na nagpatupad ng Danegæld)
  • Styrbjörn Starke (kongkistador ng Jomsborg)
  • Þorfinnur Karlsefni (kolonisador ng Vinland)

[baguhin] Tingnan din

Kultura:

  • Blót
  • Poesiya ng Sinaunang Norse
  • Mitolohiyang Norse
  • Sagas ng Norse
  • Skáld

Mga mananalaysay:

  • Adam ng Bremen
  • Saxo Grammaticus
  • Snorri Sturluson

Arkeolohiya:

  • Birka
  • Danelaw
  • Hedeby
  • Helgö
  • Hill forts, Ring castles ng Vikings
  • Leidang
  • Sinaunang Uppsala
  • Templo sa Uppsala
  • Taong Tollund
  • Armas at baluti ng Panahong Viking

[baguhin] Talasanggunian

  • Brøndsted, Johannes (1960). The Vikings, trans. Kalle Skov. Harmondsworth: Penguin. New translation 1965. ISBN 0140204598.
  • Davidson, H. R. Ellis (1964). Gods and Myths of Northern Europe. Harmondsworth: Penguin. New edition 1990 by Penguin Books. ISBN 0140206701.
  • Davidson, H. R. Ellis (1976). The Viking Road to Byzantium. London: Allen and Unwin. ISBN 0049400495.
  • Graham-Campbell, J. (petsa?). The Viking World.
  • Rosedahl, E. (petsa?). Viking Age Denmark.
  • Sawyer, P. H. (petsa?). Medieval Scandinavia
  • Sawyer, P. H. (1962). The Age of the Vikings
Our "Network":

Project Gutenberg
https://gutenberg.classicistranieri.com

Encyclopaedia Britannica 1911
https://encyclopaediabritannica.classicistranieri.com

Librivox Audiobooks
https://librivox.classicistranieri.com

Linux Distributions
https://old.classicistranieri.com

Magnatune (MP3 Music)
https://magnatune.classicistranieri.com

Static Wikipedia (June 2008)
https://wikipedia.classicistranieri.com

Static Wikipedia (March 2008)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com/mar2008/

Static Wikipedia (2007)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com

Static Wikipedia (2006)
https://wikipedia2006.classicistranieri.com

Liber Liber
https://liberliber.classicistranieri.com

ZIM Files for Kiwix
https://zim.classicistranieri.com


Other Websites:

Bach - Goldberg Variations
https://www.goldbergvariations.org

Lazarillo de Tormes
https://www.lazarillodetormes.org

Madame Bovary
https://www.madamebovary.org

Il Fu Mattia Pascal
https://www.mattiapascal.it

The Voice in the Desert
https://www.thevoiceinthedesert.org

Confessione d'un amore fascista
https://www.amorefascista.it

Malinverno
https://www.malinverno.org

Debito formativo
https://www.debitoformativo.it

Adina Spire
https://www.adinaspire.com