Kambing
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang domestikong kambing (Capra aegagrus hircus) ay isang pinaamong subspecies ng Mabangis na Kambing ng timog-kanlurang Asya at silangang Europa.
Isa ang mga domestikong kambing sa mga pinakamatagal na pinaaamong specie. Sa loob ng libong mga taon, ginagamit sila para sa kanilang gatas, karne, buhok at katad. Noong nakaraang siglo naging tanyag din sila bilang mga alaga.