AIDS
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome o Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV o human immunodeficiency virus. Ilan sa mga katangian ng taong may diagnosis ng AIDS ay ang mababang bilang ng helper T Cell, pagiging positibo sa pagsusuri hinggil sa HIV, at pagkakaroon ng ilang natatanging sakit gaya ng Kaposi's sarcoma, Pneumocystis carinii pneumonia, tuberculosis, at iba pang sakit na fungi ang kadahilanan. Ayon sa mga pag-aaral na medical, sinasabing mahigit-kumulang ng 10 taon bago tuluyang maging diagnosis ng AIDS ang isang taong positibo para sa HIV. Hanggang sa ngayon, walang lunas para sa HIV o AIDS, subalit maraming pag-aaral ang isinasagawa para sa mga gamot para sa HIV/AIDS, at maging lunas o vaccine para sa HIV.