Web - Amazon

We provide Linux to the World


We support WINRAR [What is this] - [Download .exe file(s) for Windows]

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
SITEMAP
Audiobooks by Valerio Di Stefano: Single Download - Complete Download [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Alphabetical Download  [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Download Instructions

Make a donation: IBAN: IT36M0708677020000000008016 - BIC/SWIFT:  ICRAITRRU60 - VALERIO DI STEFANO or
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Wikang Filipino - Wikipedia

Wikang Filipino

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Ang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Ayon sa konstitusyon, dalawa ang opisyal na wika ng bayan, ang Filipino at Ingles.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Noong Nobyembre 13, 1937, ang Unang Pambansang Asembleya ay nagbuo ng Instituto ng Pambansang Wika. Ito ang pumili sa Tagalog bilang pagbabasehan ng bagong wikang pambansa. Noong 1961, ang wika ay nakilala sa pangalang Pilipino, at sa bandang huli ay napaltan sa Filipino.

Nasasaad sa Saligang Batas ng 1987 na ang Filipino ang pambansang wika at isang opisyal na wika ng Pilipinas.

Sa pagkakabuo ng pambansang wikang batay sa Tagalog, sinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa (balarila na nangangahulugang gramatika) na nagpakilala sa abakada ng 20 titik. Nasasaad dito na ang bawat isang titik ay may katumbas na isang tunog lamang sa Tagalog. Ang 20 letra ng abakada ay nakaayos nang a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y. Noong 1973 nagpasimuno ang Instituto ng bagong wika. Bilang isang wikang gagawing lingua franca ng bansa, intensyon itong malayang humiram ng mga salita mula sa iba’t ibang mga wikang ginagamit sa buong kapuluan habang ang gramatika ay mababatay pa rin Tagalog. Noong 1976, ang alpabeto nito ay binubuo ng 31 titik—ang 26 na mahahanap sa alpabetong Inggles; ang ch, ll, ñ, at rr ng Espanyol (inalis din noong 1994 sa mismong alpabetong Espanyol ang ch, ll, at rr); at ang ng ng Tagalog. Ngunit sa paggamit at alpabetisasyon, ang digraphs na ito ay naging parang dalawang letra lamang na pinagkabit kaya’t noong 1987 inalis ang mga titik na Espanyol maliban sa ñ at 28 na lamang ang natirang titik sa alpabeto.

[baguhin] Pinagmulan ng Wikang Filipino ayon kay Paul Morrow

Raniel Aquino Ayon kay Paul Morrow isang Canadian na nagriserts ng wikang Filipino , maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Pilipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Pilipinas ay taál na Filipino.

Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Pilipino ay dumayo sa Pilipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.

Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.

May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America.

Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.

Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.

Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan.

[baguhin] Mga kontrobersyang pumapalibot sa wika

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay ilang beses nang nasangkot sa mga kontrobersya at di-pagkakaunawaan, magpahanggang ngayon. Itinatakda ng Seksyon 6, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na, “Ang pambansang wika ng Pilipinas ay pilipino. Habang ito ay nagbabago, ito ay higit pang pagbubutihin at pagyayamanin sang-ayon sa mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pa.” Subalit, walang wikang tinatawag na “Filipino” bago ang Saligang Batas ng 1987. Hindi isinasaad pati kung ang wikang Filipino ay dapat ibatay sa Tagalog bagamat ipinapalagay ng karamihan na ito ay tulad din ng (o kabagay ng) naunang wikang Pilipino, na pambansang wika noon (na malinaw na halaw sa Tagalog talaga). Ang mga Filipino ay may isa sa mga sumusunod na opinyon o pananaw tungkol sa wikang Filipino:

  1. Ang Filipino ay Tagalog at ito ay isang panibagong pangalan lamang para dito, tulad ng naunang Pilipino.
  2. Ang Filipino ay ang pagsasama-sama ng lahat ng mga wika sa Filipinas, kasama ang Ingles at Espanyol na posible ding panggalingan ng bokabularyo o talasalitaan.
  3. Ang Filipino ay Tagalog na may mga hiram na salita mula sa Inggles at iba pang mga wika sa Filipinas. Ito ang Tagalog na ginagamit sa Metro Manila.

Gayumpaman, naniniwala ang karamihan ng tao sa Filipinas na ang Filipino at Tagalog ay iisa. Mas madalas silang tatanungin kung marunong silang mag-“Tagalog” sa halip na kung sila ay marunong mag-“Filipino”. Ang mga taga-sulong ng pangalawang pananaw ay nagsasabing hindi kasama sa Tagalog ang ilang mga salita tulad ng gwapa (maganda), yung mga salitang may kahulugan na madaling mahuhulaan ng mga katutubong tagapagsalita ng Tagalog ngunit hindi kinikilala o ginagamit man lang ng pangkalahatan sa mga rehyong Tagalog. Ayon sa ilan, kasama rin daw dapat sa Filipino ang mga salitang Inggles na madalas gamitin ng mga Filipino (kasalungat sa wikang Tagalog na hindi kumikilala sa mga salitang Inggles). Noong panahong kung kailan tinatawag ang wika na Pilipino (bago mapalitan sa Filipino), karaniwan ang paggamit ng dalisay o purong Tagalog, sinubukang palitan kahit na ang mga madadalas gamiting salitang nanggaling sa Inggles at Espanyol ng mga bagong artipisyal at inimbentong salita na base sa Tagalog. Sa maraming Filipino, ito ang kaibahan ng wikang Filipino sa Tagalog, ngunit problematiko din ang pananaw na ito sapagkat hindi katwiran ang pagpapasok ng mga salitang may pinagmulang banyaga para makalikha ng bagong wika.

Naniniwala naman ang karamihan sa mga tagaakademya na ang wikang Filipino ay ang pagkakaisa ng mga wika sa Filipinas, at minumungkahi naman ng ilan na dapat isama sa leksikon ng Filipino ang ilan mga salitang Inggles. Ang nakikitang problema lamang dito ay, sa puntong linggwistiko, ang mga wika sa Filipinas ay hindi talaga mga “dyalekto” ng iisang wika, kundi mga sariling wika. Kung isasama sa leksikon ang mga estruktura ng gramatika at lahat ng mga salita mula sa iba’t ibang mga wika sa Pilipinas, hindi maisasakatuparan ang iisang lingua franca sapagkat ang mga nagsasalita ng Filipinong Tagalog at yung mga nagsasalita naman ng Filipinong Cebuano ay hindi magkakaunawaan.

Kung titingnan, ang pinagdadaanang pagbabatay ng Filipino sa Tagalog ay hindi gaanong naiiba sa pinagdaanang pagbabatay sa Toskano ng ngayong standard na Italyano. Pinili ang Toskano bilang batayan ng Italyano dahil ang Toskano ang wika kung saan naisulat ang higit na marami at dakilang akda ng tangway Italyano, partikular na halimbawa na ang Banal na Komedya ni Dante Alighieri. Sa kaso ng Filipino, ikinakatuwiran na kaya ito pangunahing ibinabatay sa Tagalog ay dahil sa ang Tagalog, tulad ng Toskano ng Italya, ang wika kung saan naisulat ang higit na nakararaming akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa maikling salita, masasabing higit na matatag (established) ang tradisyong pampanitikan (writen literary tradition) ng Toskano at Italyano kung ihahambing sa ibang mga wika/dyalekto ng Italya at Pilipinas.

Sa katotohanan, ang Filipino marahil ay ang wikang ginagamit sa Metro Manila. Habang dumarami ang mga dumadayo rito mula sa mga probinsya, may mga ilang salita mula sa iba pang mga wikang dala nila ang nadaragdag na sa pang-araw-araw na pananalita ng mga Manilenyo. Subalit mahirap gawing standard ang Tagalog ng kabisera. Mabilis itong nagbabago at kasalukuyang walang isang diksyonaryo o gramatikang mapagkakatiwalaan na makakapagturo sa nararapat na paggamit dito o kung aling mga salita ang tunay na kabilang sa wika. Dagdag pa rito ang suliranin sa pagkabilinggwal o multilinggwal ng mga Filipino. Ang Inggles ang pinakalaganap at maraming Filipino na ang ngayon ay gumagamit ng tinatawag na “Taglish”, Tagalog na binubudburan ng mga salita at konstruksyong gramatikal na Inggles, bilang pang-araw-araw na pananalita. Kahit na masasabing katanggap-tanggap ito bilang informal na komunikasyon, nananatiling mahirap pagsamahin ng marapat ang dalawang wikang ito sa formal at nakasulat na komunikasyon.

[baguhin] Wika at politika

Dulot ng mga makakasaysayang at minsang magkakatunggali na prosesong politikal sa bansa (kolonisasyon, rebolusyon, purismo, at ang kasalukuyang umiiral na Anglicization), ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na kung saan ang konsistent na implementasyon ng mga makakatuwirang prinsipyo ng patakarang pangwika ang esensyal sa pagpapanatili ng wika.

[baguhin] Silipin din

Iminungkahing pag-isahin ang Panghihiram ng salita batay sa bagong alpabeto sa artikulo o bahaging ito. (pag-usapan)

[baguhin] Lingks palabas

Our "Network":

Project Gutenberg
https://gutenberg.classicistranieri.com

Encyclopaedia Britannica 1911
https://encyclopaediabritannica.classicistranieri.com

Librivox Audiobooks
https://librivox.classicistranieri.com

Linux Distributions
https://old.classicistranieri.com

Magnatune (MP3 Music)
https://magnatune.classicistranieri.com

Static Wikipedia (June 2008)
https://wikipedia.classicistranieri.com

Static Wikipedia (March 2008)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com/mar2008/

Static Wikipedia (2007)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com

Static Wikipedia (2006)
https://wikipedia2006.classicistranieri.com

Liber Liber
https://liberliber.classicistranieri.com

ZIM Files for Kiwix
https://zim.classicistranieri.com


Other Websites:

Bach - Goldberg Variations
https://www.goldbergvariations.org

Lazarillo de Tormes
https://www.lazarillodetormes.org

Madame Bovary
https://www.madamebovary.org

Il Fu Mattia Pascal
https://www.mattiapascal.it

The Voice in the Desert
https://www.thevoiceinthedesert.org

Confessione d'un amore fascista
https://www.amorefascista.it

Malinverno
https://www.malinverno.org

Debito formativo
https://www.debitoformativo.it

Adina Spire
https://www.adinaspire.com