Talmud
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Talmud (Ebreo: תלמוד) ay isang rekord ng mga talakayang rabiniko ukol sa batas Hudiyo, etikong Hudiyo, mga kostumbre, alamat, at kwento.
Mga nilalaman |
[baguhin] Estruktura
[baguhin] Mishna
Ang Mishna (Ebreo: משנה) ang Batas Oral na Hudiyo ayon sa pagkarekord ni Rabino Yhuda haNasi’ noong mga 200 CE.
[baguhin] Gemara
Ang Gemara (Ebreo: גמרא) ang lipon ng mga komentaryong rabiniko ng mga akademya ng Palestina at Babilonya ukol sa Mishna mula sa pagkasulat nito hanggang noong mga 500 CE.
[baguhin] Ang dalawang talmud
Iisa lang ang Mishna ngunit dalawa ang Gemara: ang Gemara ng Jerusalem at ang Gemara ng Babilonya. Sa kasalukuyang panahon, tumutukoy ang mag-isang salitang “talmud” sa Talmud ng Babilonya.