Pag-ibig
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon. Tingnan ang Pag-IBIG Fund para sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o pop music.
[baguhin] Mga pagbanggit
Ayon sa San Pablo sa kaniyang unang episel o liham sa mga taga Korinto 13:4, ang pag-ibig ay:
"... ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi pagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas."
[baguhin] Lingks palabas
- Pag-ibig amour