Linus Torvalds
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Linus Benedict Torvalds ang siyang nagpasimula at lumikha ng kernel na Linux. Sa ngayon, siya ang tumatayong pangunahing tagapamahala sa paggawa at pagpapaganda ng Linux.
[baguhin] Biyograpiya
Ipinanganak siya sa Helsinki, kabisera ng Finland. Ang kanyang mga magulang ay sina Anna at Nils, na siya namang anak ng makatang si Ole Torvalds.