Letizia Ortiz
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Letizia Ortiz Rocasolano (ipinanganak Setyembre 15, 1972 sa Oviedo, Asturias) ang asawa ng tagapagmana ng Korona ng Espanya, ang Prinsipe ng Asturias na si Felipe de Borbón. Siya, sa gayon, ang Prinsesang Tagapagmana ng Kaharian ng Espanya. Mayroon siyang titulo ng Alteza Real (Inggles: Royal Highness) at ang iba pang mga titulo ng Prinsesa ng Asturias, Girona, at Viana, Kondesa ng Cervera, Dukesa ng Montblanc at Binibini ng Balaguer. Ang kaniyang unang anak, si Leonor de Borbón, ang pangalawa sa pagkahalili sa Korona.
Siya ang anak ng nars na si Paloma Rocasolano at ng mamamahayag na si Jesús Ortiz, at apo ng tanyag na brodkaster sa radyong si Menchu Álvarez del Valle. Mayroon siyang dalawang kapatid, sina Telma at Erika.