Google Talk
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Google Talk ay ang programang binuo ng Google para sa instant messaging. Kahalintulad ito ng Y! Instant Messenger. Inilabas ang Google Talk beta noong Agosto 24, 2005 at binubuo ng parehong service at client na ginagamit upang makakonekta sa service. Hindi tulad ng ilang mga instant messaging service, gumagamit ang Google Talk ng isang open protocol (Jabber) para sa IM nito at maliban sa sariling client nito, maaaring makonekta ang iba pang client sa Google Talk service.