Gitnang Asya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Gitnang Asya (Ruso: Средняя Азия/"Srednjaja Azija" para sa "Middle Asia" or Центральная Азия/"Central’naja Azija" para sa "Central Asia"; Mandarin Intsik: 中亚/ pinyin: "Zhŏngyà"; Arabo: "Asya al Wsta") ay isang malawak na rehiyong walang bayabaying-dagat sa Asya. Bagaman may mga iba't ibang kahulugan ang tumpak na komposisyon nito, walang isa mang kahulugan ang tinatanggap sa pangkalahatan. Kahit na walang katiyakan sa pagkahulugan ng mga hangganan, mayroon itong mga ilang mahalgang pangkalahatang katangian. Isa na dito ang kasaysayan ng Gitnang Asya na malapit na inuugnay sa pagiging nomad ng mga tao nito at ang Daang Seda (Silk Road). Bilang bunga, naging isang daanan ang Gitnang Asya para sa paglalakbay ng mga tao at pagpapalitan ng mga produkto at kaisipan sa pagitan ng Europa at Gitnang Silangan, Timog Asya at Silangang Asya. Kilala din ito minsan bilang Gitnang Asya o Loobang Asya, at nasa loob ng mas malawak na sakop ng kontinenteng Eurasia.
Categories: Stub | Asya