Tangway ng Zamboanga
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Tangway ng Zamboanga (Inggles: Zamboanga Peninsula) ay isang tangway at rehiyong pampangasiwaan sa tangway na iyon sa Pilipinas.
[baguhin] Ang rehiyon
Itinalaga bilang Rehiyon IX, binubuo ng tatlong lalawigan ang Tangway ng Zamboanga. Ang mga ito ay Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay. Ang rehiyon ng Tangway ng Zamboanga at dating tinatawag na Kanlurang Mindanao (Western Mindanao) bago isinabatas ang Executive Order No. 36 noong Setyembre 19, 2001.
Mayroong limang lungsod ang Tangway ng Zamboanga: Dipolog, Dapitan, Isabela, Pagadian, at Zamboanga. Sa katunayan, ang Isabela ay bahagi ng lalawigan ng Basilan sa timog ng tangway, at kabisera ng lalawigang iyon. Pinili ng mga mamamayan ng Basilan na sumama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa isang plebisito. Ngunit hindi pinili ng mga mamamayan ng Isabela na sumama sa ARMM kaya ang lungsod ay naging bahagi ng rehiyon ng Tangway ng Zamboanga nang isinabatas ang Executive Order No. 36.
[baguhin] Ang tangway
Ang Tangway ng Zamboanga ay binubuo ng teritoryo ng tatlong lalawigan ng Zamboanga kasama ang Misamis Occidental. Nakadugtong ang tangway sa panguahing bahagi ng Mindano sa isang dalahikan na matatgpuan sa pagitan ng Look ng Panquil at Look ng Pagadian. Ang hangganan ng tangway at ng mainland ay artipisyal na minamarkahan ng hangganan sa pagitan ng Zamboanga del Sur at Lanao del Norte.
Matatagpuan ang Tangway ng Zamboanga sa pagitan ng Golpo ng Moro, bahagi ng Dagat Celebes, at ng Dagat Sulu. Maraming look at pulo ang matatagpuan sa babybayin ng tangway.