Anyong lupa
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
Ilan sa mga anyong lupa ay ang sumusunod:
- Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.taniman ito ng mga palay,mais,at gulay.
- Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
- Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbwa nito ay ang bulkan ng Pinatubo.
- Burol — higit na mas mababa ang burol kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas.pabilog ang hugis mga hugis nito a natatapakan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
- Lambak — kapatagan ngunit ito ay napaliligiran ng mga bundok. marami ring maaaring mga produkto tulad ng gulay,tabako,mani,mais,at palay
- Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar.maganda rting taniman ang talampas dahil mataba ang lupa rito.malamig at mahangin sa lugar na ito.
- Tangway — isang pahaba at nakausling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
- Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
- Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunod-sunod.
- Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.