Wario
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Wario (ワリオ sa Nihonggo) ay isang kathang isip na karakter sa isang larong palm "video" ng Nintendo, ang Game Boy. Nilikha bilang kontrabida o katunggali ni Mario, siya naman ang tinuturing na bida sa kaniyang sariling laro. Una siyang lumabas sa isang laro noong 1992 sa Super Mario Land 2: 6 Golden Coins, bilang kalaban at ang huling amo. Isinatinig ang karakter na ito ni Charles Martinet, na sya namang boses ni Mario at Luigi at ni Waluigi.
Ang pangalan na Wario ay nagmula sa salitang hapon na warui (悪い) na nangangahulugang "masama"; kung magkagayon ay isang "masamang mario". Sa Estados Unidos, kinakikitaan ang salitang Wario ng salitang "war", na nangangahulugan ng digmaan, at ang "W" nito ay binaliktad na titik M. Bilang si Wario, kumukilos siya nang salungat sa mga pagkilos o asta ni Mario.
[baguhin] Tignan Rin
- Listahan ng mga Larong Wario
- Waluigi
- Mga Karakter sa WarioWare