Sakit
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol sa sakit bilang negatibong pansariling karanasan ang artikulong ito. Para sa terminong sakit ng medisina, tingnan ang karamdaman
Sang-ayon sa International Association for the Study of Pain (IASP), makikita ng isang indibiduwal ang pagkakaiba ng sakit at nociception. Isang pansariling karanasan ang sakit na kasama ng nociception, ngunit maaaring mangyari ng walang kahit anong stimulus. Kabilang dito ang emosyonal na pagtugon. Isang kataga sa neurophysiology ang noiception na pinapaalam ang isang aktibidad sa mga daanan ng nerve. Nagpapadala ng mga di-kaayaayang senyas ang mga daanang ito na hindi palaging masakit. Bagaman maaaring kasama ng sakit ang pagkawasak ng tisyu o pagkamaga, kadalasang hindi ganito ang kaso.