Radovan Karadžić
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Radovan Karadžić (ipinanganak Hunyo 19, 1945) ay isang politiko, makata, sikyatra, at akusadong pandigmaang kriminal na Serb ng BiH.
Ipinanganak si Karadžić si Petnjica malapit sa Savnik sa Montenegro at lumipat sa Sarajevo sa maagang edad upang mag-aral ng sikyariya at magtrabaho sa Ospital ng Koševo.
Isa sya sa mga nagtatag noong 1989 ng Srpska Demokratska Stranka (SDS) o Partidong Demokratikong Serb sa BiH, na hangaring tipunin ang komunidad ng mga Serb sa republika upang ipagtanggol ang mga interes nito.
Pinamunuhan nya ang Republika Srpska noong dekada 1990, matapos ang pagkawasak ng Sosyalistang Republikang Federal ng Yugoslavia noong 1991. Inaakusahan sya ng pag-uutos ng paglilinis-etniko ng Croats at Bošnjaci.
Noong Hulyo 7, 2005 inarresto ng mga kawal ng NATO ang anak ni Karadžić na si Aleksandar “Saša” Karadžić [1].
[baguhin] Tingnan din
- Henosidyong Bosnian
- Masaker ng Srebrenica
- Militar ng Republika Srpska
- Bošnjaci
- Bosnia at Herzegovina
- Croatia
- Republika Srpska
- Slovenia
- Srpska Demokratska Stranka
- International Criminal Tribunal for the Former Yugoslavia
- Jovan Rašković