New Jersey
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang New Jersey (Ingles para sa "Bagong Jersey") ay isang estado sa Estados Unidos sa hilagang-silangang bahagi ng bansa. Ang estado ay ipinangalan sa isla ng Jersey na nasa English Channel. Ito ay nasa pagitan ng New York, sa may silangang bahagi ng Karagatang Atlantiko at nasa timog-kanluran ng estado ng Delaware, at kanluran ng Pennsylvania. May ibang bahagi ng Bagong Jersey na nasa kalakhang Lungsod ng New York at ng Philadelphia.