Metro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Metro (paglilinaw).
Ang metro ay ang sukat ng haba. Bilang pundamental na yunit ng haba sa sistemang metriko at sa International System of Units (SI: Système International d'Unités), nangangahulugan ang metro bilang katumbas ng haba ng daanang nilakbay ng isang liwanag sa ganap na vacuum sa panahon ng isang palugit na 1/299,792,458 ng isang segundo. Katumbas ng 10000/254 pulgada ang isang metro, tinatayang 39.37 pulgada. Ang simbolo para sa metro ay m.