Jose P. Laurel
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 kina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Mga Pangulo ng Pilipinas Aguinaldo | Quezon | Osmeña | Laurel | Roxas | Quirino | Magsaysay | Garcia | Macapagal | Marcos | Aquino | Ramos | Estrada | Arroyo |