Gangnihessou
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Gangnihessou ang kauna-unahan sa mga tradisyonal na "labing-dalawang hari ng Dahomey." Maaari na naghari siya noong mga 1620. Isang lalaking ibon na gangnihessou (isang rebus ang ibong ito para sa kanyang pangalan), tambol, at mga sibat ang kanyang mga simbolo. Hindi lubusang maliwanag sa kasaysayan kung nakapaglingkod siya bilang hari. Maaari na naging maimpluwensiyang pinuno siya na ginagamit ang kanyang kapangyarihan upang magbigay payo sa kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng kanyang nakakabatang kapatid na si Dakodonou, na malinaw na kinikilalang bilang isang hari ng kanyang buong buhay.